Ang mensahe na nais ipahiwatig sa akin ng awiting magkabilaan ni Joey Ayala ay may dalawang magkaibang lipunan ang nandito sa ating mundo at magkaiba ang buhay ng tao ngayon kaysa sa dating panahon ng mga taoo noon. May mga linya sa kanta na nagpapahiwatig ng magandang kahulugan kaya agad ko itong napansin. Ang isa sa mga linya na napansin ko ay "Kapag nawala ang isa hindi raw mababatid", itong linya na ito ay nagpapahiwatig na ang tao sa ngayon ay hindi na kayang mabuhay mag-isa na kailangan nila na magkaroon ng katuwang sa buhay, isa lang to sa mga linya ng kanta na may kahulugan sa realidad ng buhay na kailangan maintindihan ng mga tao ngayon.
Sa ating bansa kahit ikaw ay isang hari, mayaman, isang presidente o di kaya may mataas na posisyon sa ating bansa at mahirap, wala na ngayong pinipili ang krimen na nangyayari sa ating bansa kaya nakakalungkot ang nangyayaring ito. Isa sa dahilan ng mga krimen na nangyayari sa ating bansa ngayon ay kasakiman na nagdudulot/nagtutulak sa tao upang maging masama. Ang katagang "Lahat ng bagay na may buhay sa mundo ay magkaiba". Ang katagang ito ay mahahalintulad mo sa kanta ni Joey Ayala dahil ito ay naglalarawan na may hinahawakang bagay ang mga mahihirap na wala ang mga mayayaman at may mga bagay na man na hinahawakan ang mayayaman na wala ang mga mahihirap. Isa lang ito sa mahalagang nangyayari sa ating bansa.
Kung sinu pa ang mga alipin yun pa ang nagiging mas malaya sa karamihan na siya nakakagawa ng kabutihan sa ibang tao. Sa lipunan na ginagalawan natin ngayon, totoo ang linyang ito sa kanta ni Joey Ayala dahil karamihan sa mga mayayaman ay palaging nag-aaway dahil alam naman natin na ang puno't dulo ng pag-aaway na ito ay pera.
Ang kantang ginawa ni Joey Ayala ay isang ispirasyon na magpapamulat sa mga tao sa mga nangyayari sa ating bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento