Linggo, Enero 1, 2012

Pinakanakakainis na Karanasan n'yo Ngayong Christmas break 2011

                    Nang malapit nang mag Christmas Break, nalaman kong may takdang-aralin pala kami sa Filipino ito ay gumawa ng isang blog. Ang blog naming gagawin ay may tatlong paksa; Ang pinakanakakainis na karanasan n'yo ngayong Christmas Break, Reflection sa kanta ni Joey Ayala, at Malayang Paksa. Sa unang paksa na ibinigay sa amin ako'y napatanong sa aking sarili, "May kakainisan kaya akong karanasan sa nalalapit na christmas break? Pero sabi ko sa aking sarili, sino namang tao ang maghahangad na magkaroon na panget/kinakainisan na karanasan sa nalalapit na kapaskuhan.

                    Sumapit na ang araw ng umpisa ng aming christmas break pero ala pa namang panget na karanasan ang nangyayari sa akin. Nang sumunod na araw ala pa rin, nakalipas na ang pasko pero al parin talagang nangyayaring panget o nakakainis sa aking christmas break. Pero nagpapasalamat ako puro maganda ang mga karanasan ko mula nang nagumpisa ang christmas break hanggang kapaskuhan. Kaya walang nangyaring panget o nakakainis na karanasan ko noong chrismas break dahil ako ay gumala kasama ang aking mga kaibigan at ang higit sa lahat lumabas kami ng aking pamilya. Ang mga araw na iyon ay ginamit ko rin upang gumawa ng takdang-aralin sa iba pang subject para nakapokus nalang ako sa paggawa ng blog na ito.

                    Nakalipas pa ang ilang araw wala talaga bawat, araw ko ay maganda lalo na nung pasko dahil kahit di ako namasko nagkaroon pa rin ako ng pera. Alam kong ang paksa ng blog na ito ay "Pinakanakakainis na Karanasan n'yo Ngayong Christmas break 2011" pero ano ang magagawa ko kung wala akong kinakainisang karanasan ko ngayong christmas break. Lahat kasi puro maganda at masaya. Laking pasasalamat ko na naging maganda ang aking pasko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento