Linggo, Enero 1, 2012

Malayang Paksa (Mga Suliranin ng Bansa: Paano ka mawawala?)

                    Halos nararamdaman sa lahat ng bansa sa mundo ang malubhang epekto ng suliranin sa ekonomiya. Sa Pilipinas, hindi lang sa krisis sa ekonomiya ang problema, kung di may marami pang suliranin na nakapipigil sa pag-unlad sa ating bansa. Ito ay ang suliraning panlipunan. Isa sa mga suliraning ito ang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot, laong-lalo na ang mga kabataan sa panahon ngayon, mga katiwalian sa pamahalaan, mga krimeng pag-nanakaw at pag-patay, at pang-aabuso sa mga kabataan. Kailangang mabigyang lunas kaagad ang mga suliraning ito upang hindi na lumaki pa.

                    Ang panganib na dulot ng mga ipinagbabawal na gamot ang pangunahing hinaharap ng bansa. Maraming pilipino ang nalululong dito lalo na ang mga kabataan. Isa sa mga ibedensya nito ay ang mga batang makikita sa lansangan na may hawak na plastik at inaamoy ang rugby sa loob nito. Kapag nalulong sa droga ang isang tao, nawawala ito sa tamang pag-iisip. Hindi na niya malalaman kung ano ang ginagawa niya kung ito ba ay tama o mali. kapag ang tao ay nalulong sa droga, kakambal na nito ang iba pang krimeng lumalaganap. Natututo ang isang tao ng pagnanakaw kung wala na itong pambili ng gamot, ang ilan ay mananakit ng ibang tao kung hindi magbibigay ng perang pambili o hindi kaya ang pinakamasama sa lahat ay ang pagpamatay sa kapwa.


                     Lubhang nagiging mapanganib na ang Pilipinas sa nagaganap na mga krimen laban sa mga tao at ari-arian. Halos laman ng mga pahayagan araw-araw at maging ang mga balita sa radyo at telebisyon ang nakawan, pananakit o pagpatay at pagkidnap. Dahil narin ito dahil sa hirap ng buhay na nararanasan nila. May mga nagnanakaw dahil ito ang ginagawa nilang pinagkikitaan. Pero mas maraming pilipinong napipilitan lamang na magnakaw dahil hindi nila kayang itaguyod ang pamumuhay ng kanilang pamilya.


                    Mga katiwalian sa pamahalaan, ito ay isa rin sa pangunahing dahilan ng pagbagsak ekonomiya sa bansa. Sa halip na mapunta ang pondo ng pamahalaan sa mga proyekto at mga programa, napupunta lamang ang karamihan nito sa bulsa ng mga hindi mapagkatitiwalaan at mga tiwaling opisyal. Dahil dito madalas na nagkakaroon ng pagkukulang sa badyet ng pamahalaan na nagiging dahilan naman upang hindi mababayaran ang mahalagang serbisyo ng gobyerno tulad ng edukasyon, kalusugan at iba pa.

                     Nangunguna sa nararapat nating bigyan ng pansin ang laganap ng katiwalian sa pamahalaan. Mahalagang bigyan ng atensyon ang suliraning ito sapagkat tayo ang pangunahing naapektuhan sa masasamang bunga ng katiwalian. Kung may alam tayo na hindi magandang ginagawa ang mga namumuno sa bansa at sa pamahalaan, dapat kaagad nating isumbong.

                     Maraming hinaharap na suliraning panlipunan ang pilipinas, hindi naman tumigil ang mga mamamayang pilipino na maghanap ng mabisang kalutasan sa mga suliraning ito. Nagtutulungan ang pamahalaan at ang mga mamamayan na maisaayos ang nakababahalang lagay ng lipunan. Bilang estudyante at isang mamamayan ng Pilipinas, maraming tayong magagawa upang makatulong sa pamahalaan. Tungkulin natin ito hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa ating mga kababayan at sa ating sarili.

                     Sa pag-sugpo ng mga suliranin sa bansa hindi lang dapat ang mga gobyerno, o kahit na anong programa ang susuporta pati na ang pamahalaan at ang mga mamayan. Kung tayo lang ay magtutulungan malulunasan natin ang mga problema sa ating bansa, at siguradong lalakas ang ekonomiya at uunlad ang ating bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento